Miyerkules, Oktubre 15, 2014

Man Halts His Prostate Cancer with Chili Sauce: In this remarkable case study (which was published in a peer-reviewed medical journal), a prostate cancer patient successfully halted his cancer for three years simply by taking habaneros chili sauce. The 66 year old cancer patient had been taking chemotherapy drugs, but exercised his right to stop when side effects became unbearable. Then by taking just 2 mL daily (about half a teaspoon) he was actually able to decrease his PSA levels by 15% (PSA is a marker for prostate cancer). Eventually his PSA rose again to the same level as before he started the chili sauce (despite increasing the dose to 15 mL daily), but he had managed to put his cancer “on hold” for three years with this single, quite incredible, natural food. It’s important to remember that this amazing success was observed on just one patient (so far), but research has already shown chili extract (capsaicin) to be active against glioma, breast cancer, liver cancer, throat cancer and leukemia. This could make chilis a great way to further reduce cancer risk, in addition to eating a healthy, balanced diet rich in fruit, vegetables and whole foods, and getting physical exercise regularly. For those wanting to try chili, note that latest research has shown that green tea appears to boost chili’s anticancer activity as much as 100-fold.
#ProstateCancer #Chili

Mga Halamang-nagpapagaling—Makatutulong ba sa Iyo ang mga Ito?

MULA pa noong sinaunang panahon, ginagamit na ang halamang-nagpapagaling para lunasan ang sakit. Ang Ebers Papyrus, na isinulat sa Ehipto noong mga ika-16 na siglo B.C.E., ay naglalaman ng daan-daang katutubong gamot para sa iba’t ibang sakit. Gayunman, karaniwan nang sa sali’t saling sabi na lamang naipaliwanag ang mga halamang-gamot.
Lumilitaw na ang paggamit ng halamang-nagpapagaling bilang medisina sa Kanluran ay nagsimula sa akda ng unang-siglong Griegong manggagamot na si Dioscorides, ang sumulat ng De Materia Medica. Ito ang nangungunang aklat sa parmakolohiya noon na ginamit sa sumunod na 1,600 taon. Sa maraming panig ng daigdig, patuloy na nagiging popular ang tradisyonal na halamang-nagpapagaling. Sa Alemanya, binabayaran pa nga ng pangkalusugang mga programa ng gobyerno ang mga ginastos sa mga reseta ng halamang-gamot.
Bagaman sinasabi kung minsan na ang tradisyonal at katutubong halamang-gamot ay mas ligtas kaysa sa mga gamot na nabibili sa botika, may mga panganib din ito. Kaya ang mga tanong na bumabangon ay: Anong mga pag-iingat at mga rekomendasyon ang dapat pag-isipan ng isa kapag isinasaalang-alang ang mga halamang-gamot? At may mga kalagayan ba na ang isang anyo ng terapi ay maaaring maging mas kapaki-pakinabang kaysa sa iba?*
Kung Paano Nakatutulong ang mga Halamang-Gamot na nagbibigay ng kagalingan.
Sinasabing ang mga halamang-gamot ay nagtataglay ng maraming katangiang nakapagpapagaling. Ipinapalagay na ang ilang halamang-gamot ay nakatutulong sa katawan para labanan ang impeksiyon. Sinasabi naman na ang ibang halaman ay nakatutulong sa pagtunaw ng pagkain, pagkalma sa nerbiyo, nagsisilbing pampurga, o nakatutulong sa maayos na takbo ng mga glandula.
Ang mga halamang-gamot ay kapuwa nakapagpapalusog at nakapagpapagaling. Halimbawa, ang ilang halaman na nagsisilbing pampaihi, gaya ng parsli, ay nagtataglay rin ng marami-raming potasyum. Pinupunan ng potasyum sa mga halamang ito ang pagkawala ng mahahalagang elementong ito na sumasama sa ihi. Gayundin, ang halamang valerian (Valeriana officinalis), na matagal nang ginagamit bilang pampakalma, ay mayaman sa kalsyum. Maaaring patindihin ng kalsyum ang nagpapakalmang epekto ng halamang-gamot sa sistema ng nerbiyo.
Kung Paano Maaaring Inumin at Gamitin ang mga Halamang-Gamot
Ang mga halamang-gamot ay maaaring inumin at gamitin sa maraming paraan, gaya ng mga tsa, dekoksiyon, tintura, at mga panapal. Ang mga tsa ay ginagawa sa pamamagitan ng pagbubuhos ng kumukulong tubig sa halamang-gamot. Subalit nagbababala ang mga awtoridad na ang mga halamang-gamot na ginagawang tsa ay hindi dapat pakuluan sa tubig. Ang mga dekoksiyon, mula sa mga bagay na gaya ng ugat at balat ng kahoy, ay pinakukuluan sa tubig upang lumabas ang matatapang na sangkap nito.
Kumusta naman ang tungkol sa tintura? Sinabi ng isang aklat na ito ay mga “katas ng mga halamang-gamot na may puro o binantuang alkohol, o brandi, o vodka.” Pagkatapos, nariyan din ang mga panapal na maaaring ihanda sa iba’t ibang paraan. Karaniwan nang itinatapal ito sa may-karamdaman o masakit na bahagi ng katawan.
Hindi tulad ng maraming bitamina at mga gamot, ang karamihan sa halamang-gamot ay itinuturing na pagkain at kadalasang iyon lamang ang iniinom nang walang laman ang tiyan. Maaari ring inumin ito bilang kapsula, na mas madaling inumin at hindi masama ang lasa. Kapag ipinasiya mong uminom ng mga halamang-gamot, isang katalinuhang gawin iyon nang may patnubay ng isang propesyonal.
Karaniwan na, ang mga halamang-gamot ay inirerekomenda sa mga problemang kagaya ng sipon, impatso, pagtitibi, insomniya, at pagduduwal. Gayunman, ang mga halamang-gamot ay ginagamit kung minsan sa mas malalang mga sakit—hindi lamang bilang panlunas kundi panlaban din naman. Halimbawa, sa Alemanya at Austria, ang halamang-gamot na saw palmetto (Serenoa repens) ang pangunahing ipinanggagamot sa di-malalang prostatic hyperplasia (pamamaga ng glandula ng prostate). Sa ilang bansa, dinadapuan ng sakit na ito sa dakong huli ang 50 hanggang 60 porsiyento ng kalalakihan. Ngunit mahalagang masuri ng isang doktor ang sanhi ng pamamaga upang matiyak na ang kalagayan ay hindi nangangailangan ng mas maselan na gamutan, gaya ng sa kanser.
Mga Pag-iingat
Bagaman karaniwang itinuturing na ligtas ang isang halamang-gamot, kailangang mag-ingat. Dapat pa ring mag-ingat kahit na may tatak itong “natural.” Sinabi ng isang ensayklopidiya sa paksang halamang-gamot: “Ang di-kaayaayang bagay ay na talagang mapanganib ang ilang halamang-gamot. [Nakalulungkot] hindi maingat na pinag-iisipan ng ilang tao ang anumang halamang-gamot—kung ito ba ay mapanganib o ligtas.” Maaaring baguhin ng kemikal na mga timplada ng mga halamang-gamot ang pintig ng puso, presyon ng dugo, at antas ng glucose. Dahil dito, lalo nang dapat mag-ingat ang mga taong may mga sakit sa puso, mataas na presyon ng dugo, o may diperensiya sa antas ng asukal sa dugo gaya ng diyabetis.
Ngunit karaniwan nang tulad-alerdying mga reaksiyon lamang ang masasamang epekto ng halamang-gamot. Kasali na rito ang pananakit ng ulo, pagkahilo, pagduduwal, o pamamantal. Sinasabi rin na ang mga halamang-gamot ang pinagmumulan ng “krisis sa paggaling” anupat naglalabas ng tulad-trangkaso o iba pang mga sintomas. Para bang lumilitaw na lumalalâ muna ang kalagayan ng isang umiinom ng halamang-gamot bago bumuti ang kaniyang pakiramdam. Karaniwan nang sinasabi na ang reaksiyong ito ay sanhi ng pag-aalis sa katawan ng nakalalasong mga dumi sa unang yugto ng gamutan ng halamang-gamot.
Ang dami ng namamatay na paminsan-minsang nauugnay sa partikular na mga halamang-gamot ay nagdiriin sa pangangailangan na maging maingat at pagkakaroon ng lubusang kaalaman. Halimbawa, ang halamang-gamot na ephedra, na karaniwang iniinom bilang pampapayat, ay nagpapataas ng presyon ng dugo. Ang mahigit na 100 pagkamatay na naiulat sa Estados Unidos ay naugnay sa mga produkto ng ephedra, bagaman ganito ang sabi ng patologo sa San Francisco na si Steven Karch: “Ang tanging mga kaso ng pagkamatay ng mga taong nalaman ko [na uminom ng ephedra] ay yaong mga may malubha nang sakit sa arterya ng puso o yaong mga sumobra sa dosis.”
Ganito ang sabi ni Dr. Logan Chamberlain, ang awtor ng isang aklat tungkol sa mga suplementong halamang-gamot: “Halos lahat ng ulat nitong nakalipas na mga taon tungkol sa masasamang epekto ng mga halamang-gamot ay mula sa mga kaso ng hindi pagsunod ng mga tao sa mga tagubilin. . . . Ang mga inirerekomendang dosis ng mapagkakatiwalaang mga produkto ay ligtas at mababa pa nga. Huwag kang magbakasakali sa dosis malibang humingi ka ng mahusay na payo mula sa isang ekspertong herbalist.”
Ganito ang babalang payo ng herbalist na si Linda Page: “Maging sa malulubhang sakit, ang katamtamang dami ang dapat inumin, hindi sobra-sobra. Mas magiging mabuti ang resulta kung hindi mo mamadaliin ang iyong sarili at hinay-hinay lamang ang paggamot. Kailangan ng panahon upang lumusog muli.”
Ipinaliliwanag ng isang aklat tungkol sa mga halamang-gamot na ang ilang halamang-gamot ay may likas na katangiang nagsasanggalang sa sobrang dosis. Halimbawa, ang isang halamang-gamot na ginagamit para marelaks ang katawan ay nakapagpapaduwal kapag nasobrahan ang inom. Gayunman, hindi dapat ipagwalang-bahala ang pangangailangang sumunod sa ligtas na dosis na dapat inumin dahil sa katangiang ito, na hindi naman makikita sa lahat ng halamang-gamot.
Sa kabila nito, marami ang naniniwala na para maging mabisa ang isang halamang-gamot, dapat na sapat ang dami ng gamot na iinumin at sa tamang anyo nito. Kung minsan, ang tanging paraan para gawin ito ay kumuha ng produktong nagtataglay ng purong sangkap nito. Ganito ang ginagawa sa ginkgo biloba, na matagal nang ginagamit upang mapahusay ang memorya at sirkulasyon ng dugo, yamang pagkarami-raming dahon nito ang kinakailangan para makakuha ng isang mabisang dosis.
Magkasabay na Pag-inom na Posibleng Mapanganib
Ang mga halamang-gamot ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang reaksiyon kung iinuming kasabay ng inireresetang gamot. Halimbawa, maaaring palakasin o pahinain ng mga ito ang bisa ng iniresetang gamot, gawing mas mabilis ang pag-aalis ng gamot sa katawan kaysa sa karaniwan, o higit na palalain ang masasamang epekto. Inilalabas ng St. John’s wort, na kadalasang inirerekomenda sa Alemanya para sa di-gaanong malala hanggang sa medyo malalang panlulumo, ang maraming gamot sa katawan nang mas mabilis kaysa sa normal na paraan, sa gayo’y napawawalang-bisa ang mga ito. Kaya kung iinom ka ng iniresetang gamot, kasali na ang mga pildoras sa pagpigil sa pag-aanak, konsultahin mo muna ang iyong doktor bago ka uminom ng mga halamang-gamot.
Isang aklat tungkol sa nakapagpapagaling na mga katangian ng mga halamang-gamot ang nagsabi: “Ang alkohol, marihuwana, cocaine, iba pang droga na nagpapabago ng damdamin at isipan at tabako ay maaaring maging sanhi ng mga reaksiyong nagsasapanganib ng buhay kapag isinabay sa ilang halamang-gamot. . . . Makatuwirang umiwas sa [gayong mga droga], lalo na kapag may sakit.” Isa pa, dapat pag-isipang mabuti ng mga nagdadalang-tao at nagpapasusong mga ina ang payong iyan. Sabihin pa, pagdating sa tabako at nakasusugapang mga droga, ang mga Kristiyano ay naiingatan ng pagsunod sa utos ng Bibliya na “linisin [ninyo] ang [inyong] sarili mula sa bawat karungisan ng laman at espiritu.”—2 Corinto 7:1.
May kinalaman sa mga halamang-gamot, ganito ang babala ng isang reperensiya: “Kung ikaw ay magdalang-tao habang umiinom ka ng halamang-gamot, sabihin mo iyon sa iyong doktor at huwag mo nang ituloy ang pag-inom niyaon malibang naipakipag-usap mo na iyon sa kaniya. Sikapin mong alalahanin ang eksaktong dosis at tagal ng panahon na iyong ininom ang halamang-gamot.”
“May ilang panganib ang paggamot sa sarili [sa pamamagitan ng mga halamang-gamot],” ang sabi ng isang ensayklopidiya tungkol sa halamang-gamot. Sa kasamang kahon, “Mga Panganib ng Paggamot sa Sarili,” masusumpungan mo ang isang talaan ng posibleng mga panganib ng halamang-gamot.
Katulad ng lahat ng iba pang produktong pangkalusugan, dapat pag-isipang mabuti at maging maingat sa paggamit ng mga halamang-gamot at, siyempre pa, maging timbang—at tandaan na may ilang bagay na walang lunas sa ngayon. Inaasam-asam ng tunay na mga Kristiyano ang panahon kapag ang mismong sanhi ng pagkakasakit at pagkamatay—ang di-kasakdalan na minana natin sa ating unang mga magulang—ay lubusan nang mawawala sa ilalim ng mabuting pamamahala ng Kaharian ng Diyos.—Roma 5:12; Apocalipsis 21:3, 4.
Talampunay.jpg (10621 bytes)
Mabisa ang tuyong dahon nito sa pagpapabuti ng mga may sakit na asthma. Mabuti din ito para sa mga maga sa katawan. Kailangang dikdikin lamang ang sariwang dahon nito. Kung pakukuluan ang dahon, mabuti ito para sa mga sakit sa tainga.

Photo: Talampunay.jpg (10621 bytes)
Mabisa ang tuyong dahon nito sa pagpapabuti ng mga may sakit na asthma. Mabuti din ito para sa mga maga sa katawan. Kailangang dikdikin lamang ang sariwang dahon nito. Kung pakukuluan ang dahon, mabuti ito para sa mga sakit sa tainga.

MGA HALAMANG NAGBIBIGAY NG KAGALINGAN

          Ang mga halamang nagbibigay ng kagalingan ay nagmula sa Diyos kung kaya , gagamitin man natin ang mga kaloob na kagalingan mula sa mga halamanan, ay lakipan natin ng pananampalataya at pananalig sa Diyos.
Iba;t ibang uri ng Halamang Gamot